Pag-iisang Dibdib (The Union)

Pag-iisang Dibdib

Ilang beses nang nag-krus ang landas ng mga kamay ng orasan. Patuloy ang paglipas ng mga minuto sa kabila ng pagkawala ni Leo Reyes.

Tulad ng kalawakan, hindi masukat at mabilang ang ilang beses na paghahanap sa kanya ng kaniyang pamilya sa loob ng isang taon. Sa bawat pagdaan ng bulalakaw sa kalangitan, ang tanging hiling nila ay makita ang nawawalang kapamilya.

Nabuhayan ng loob ang pamilya ni Leo nang malaman nilang nagbalik ang dati niyang kasintahang si Elsa. Isang taon din ang nagdaan nang maaksidente ang dalaga. Bakas sa kaniyang mukha ang tindi ng mga tinamong sugat at sakit dulot ng madugong bangungot.

Nadagdagan pa ang pasakit ni Elsa nang malaman niya mula kay Gng. Reyes na nawawala si Leo. Bagamat tutol kasi ito sa pagmamahalan nila, hindi pa rin nito napigilang itanong sa dalaga kung ano ang tunay na nangyari sa kanyang anak.

“Nasaan man siya ngayon, lagi siyang nasa puso ko.” ang tanging naging tugon ni Elsa sabay huminga ng malalim at napaluha. Pinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa dibdib at naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang pusong nagbibigay buhay sa kanya ay ang puso ni Leo.

*****

Pag-iisang Dibdib is my third short story and the first to be published in The Hub last 2010. I got inspired by the Korean video about a photographer who fell in love with a woman but she got into an accident that impaired her eyes. Months later she recovered with her new eyes only to meet again the photographer who can’t see anymore because he donated his eyes for her. I was moved by the story and tried making my own version. As for the characters, I got the name Elsa from an Eraserheads song, Torpe, which was revived into a rap by Gloc 9. I’m a big fan of Leonardo Di Caprio (for Leo) while Reyes since it’s a typical Filipino surname.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s